Antay-Antay Din Pag May Time

You are currently viewing Antay-Antay Din Pag May Time

“When I wait, you strengthen my heart.”
— Psalm 27:14


Antay-Antay Din Pag May Time


Wer na u? OTW (On the way) na me!

Are you familiar with this text message? Or should I ask, do you have the same experience? Tinanong ka, “Nasan ka na?” At sinagot mo, “On my way na,” pero ang totoo, naliligo ka pa lang. Guilty?

One of the things that irritate me is waiting for someone. Yung tipong may usapan kayo na magkikita ng alas-nuwebe nang umaga tapos alas-onse na, wala pa rin yung kausap mo. Kainis, ‘di ba? Yung feeling na, you exert effort to wake up early in the morning, but then
someone broke his word.

Naghintay ka na ba? Have you experienced waiting for someone without the assurance that he or she will come? This is the agony of waiting.

Sa isang fast food restaurant, umorder ako ng makakain…

Ako: Miss, pa-order ng burger. Available pa ba?

Crew: Yes, ma’am, available pa po. Are you willing to wait for 15 minutes?

Ako: (gutom na gutom at nagdalawang-isip) Pwede bang mag-change na lang ng order?

Crew: Kayo po, ma’am? Ano po ba talaga ang gusto nyo?

Ako (teary-eyed): Sige, yan na nga. Aantayin ko na lang.

Pagbalik sa upuan, napag-isip ako. Parang sa love life lang ito, especially sa mga single na katulad ko. Sometimes because of some contributing factors, we are impatient to wait for our one true love.

Here are some examples:

Peer Pressure

Dala ng influence, pamimilit at panunukso ng mga tao sa paligid, naaapektuhan ang pag-iisip at damdamin ng isang tao. Damang-dama ito ng mga nasa thirties. Kesyo mawawala na sa kalendaryo ang edad. ‘Wag kayong mag-alala, may bingo at lotto pa naman. Kaso,
pag 38 na, medyo may sinat; pag 39, may lagnat; at pag 40, kombulsyon na.

Pero naniniwala ako na wala sa edad ang pagdating ng true love. Love is not just a feeling; it is a verb, an action word, a decision. No one can tell you who to love and when to love.

You are responsible for your choices. It is worth waiting for. Huwag magmadali, baka magkamali. Next to your salvation is finding a spouse. Why not socialize, get to know people, build friendships, and develop your career?

Trash Talk/Self-Talk and Pity/Comparison
We tend to compare ourselves to other people.

“Bakit siya, ‘di naman ganun kaganda o kagwapo, pero ang daming nagiging karelasyon? Samantalang ako, ni isa wala.”

If you compare yourself to others, you will never be happy. Be grateful for what you have, pray for what you need, and claim it wholeheartedly.

Fear of Rejection
May mga taong takot at ayaw nang umibig sa kadahilanang ayaw nang masaktan muli. Nagiging manhid. Sometimes they build their own walls to protect themselves from pain. They wear masks to guard their hearts. Sabi nga ng iba, naging “pusong bato.” Matigas
at walang pakialam. Naniniwala ako na kapag natatakot tayo, nakakalimutan nating nagmamahal pala tayo. At sa pagmamahal, kasama sa buong package ang sakit.

Hindi lang puro saya at ligaya, mayroon ding sakit at pait. Pero ang mahalaga, nagmahal ka. Kapag nagmamahal ka kasi, ibinibigay mo sa taong mahal mo ang puso mo at binibigyan mo siya ng karapatang saktan ka.

Workaholic
Busy-busyhan ang peg. Sila yung mga taong focused masyado sa work. Career-oriented. Malaki ang advantage ng mga taong ito. Nagiging successful at stable in terms of maturity, growth at finances pero madalas nakakalimutan nila ang sariling kaligayahan. Madalas tumatanda silang dalaga o binata dahil nga “busy” sila. Hindi masamang magtrabaho at kumita ng pera, but don’t forget to love and take care of yourself. You are important! May mga workaholic kasi na “busy” dahil may tinatakpan, tinatakasan o kaya’y tinatalikurang
problema. Choose to be brave! Harapin ang problema! Masyado kang malakas para sumuko agad. Take a deep breath, relax and have fun. Don’t be hard on yourself.
Baka kasi mapagod ka at sumabog na lang.

Choosy
Marami akong kilalang pihikan o mapili, kaya hanggang ngayon, single pa rin. Masyadong mataas ang standards. Wala rin namang masama dyan, kapatid. Tama lang namang mamili ka. Mayroon ka na bang nonnegotiables? Ito yung listahan ng iyong “GG” (God’s Gift) na dapat mayroong ganitong characteristics o attitude ang taong gusto mong makasama habambuhay.

Tama naman yung mamili ka, pero dapat nasa realidad ka pa rin. Hindi na uso yung MMMM (Matandang Mayamang Malapit nang Mamatay). You deserve to be happy and to be loved. Kilalanin muna ang tao bago ka ma-turn off, mas maging open at friendly. Higit sa lahat,
piliin mo yung taong tatanggapin ka sa kung ano ka. Choose wisely!

Destiny Addict or Maka-Disney Magic
Naniniwala siya na mahuhulog sa tapat niya si Prince Charming o di kaya’y ang Princess na hinahanap niya. Mahilig silang maniwala sa magic.

Naniniwala ka ba sa “magic”? Kapag nakita mo na raw kasi ang taong para sa ‘yo, wala ka nang magagawa kundi sundin ang tinitibok ng puso mo.

Bata pa lang ako, naniniwala na ako sa fairy tales, yung mga “happily ever after” ang peg. May isang tao na magmamahal sa ‘yo, ililigtas ka sa kapahamakan, at sasamahan ka habambuhay. Hanggang pagtanda ko, yun ang pinaniwalaan ko. Nakalimutan ko na fairy tales lang pala yun. Hindi yun totoo dahil kathang-isip at imahinasyon lamang ang mga yun.

Naniniwala ako sa active waiting. Oo, nag-aantay ka, pero dapat may ginagawa ka ring paraan para matagpuan ang tamang “tao” para sa ‘yo.

Superhuman
Sila ang breadwinner ng pamilya. Trabaho rito, trabaho roon para suportahan ang mga magulang, mga kapatid, mga pamagkin, at lahat ng miyembro ng pamilya. Napakabait ng mga taong ito, mapagmahal at mapagbigay. Madalas sila ay naaabuso dahil sa pagiging
mabait. Malaki kasi ang puso nila at bukas-kamay lagi sa mga pangangailangan ng iba, kaya naman nakakalimutan ang sarili nilang buhay. Dahil dito, madalas silang nagiging matandang dalaga o binata. Minsan naman, pinipili ang pagiging single blessed (isang magandang bokasyon). Mayroon namang nagiging bitter sa buhay, nagiging masungit, bugnutin at sinisisi ang lahat ng mga tao at mga pangyayari.

Every moment is a moment of choice. Ikaw ang responsable sa buhay mo. Kung miserable o masaya ka man ngayon, yun ang pinili mo. Kaya naman, choose your love and love your choice.


 

hugot-by-camille-depano

NAGMAHAL KA NA BA?

 NAGMAHAL KA NA BA AT NASAKTAN? Pinaasa, at umasa ka naman? Akala mo kayo na, hindi pala! Hala, bawal mag-assume unless otherwise stated at baka ma-MU ka, yung tipong Mag-isang Umibig. Pwede rin naming basted ka at kaibigan lang ang turing niya sa iyo. Relate much k aba rito? So many questions, but the answers are so few. Basahin mo ito at siguradong maliliwanagan ang isip at puso mo. Marami kang matututunang valuable lessons in life and in love sa small but powerful na librong ito ni Camille Depano.

 

Para ito sa lahat ng nagmahal, nagmamahal at magmamahal muli. It ang #Hugot ng buhay niya at buhay mo.



DO YOU WANT TO HAVE A COPY OF THIS BOOK?

Do you want to be blessed even more by our other titles? You can shop right from where you are right now! Here’s how:

FOR PAPERBACK and DIGITAL versions:

  1. Visit KerygmaBooks.com and click on the titles that you would want to order.
  2. Choose PAPERBACK or DIGITAL and check out your order.
  3. Choose your payment method.
  4. Pay via bank deposit or PayPal.
    1. For bank deposit: pay your balance and email your deposit slip to sales@blog.feastbooks.ph
    2. Pay directly via PayPal.
  5. For PAPERBACK: Wait for the books to be delivered right to your home! (For orders P1,000.00 and up, within Metro Manila only. Standard shipping rates apply for orders below P1,000.00 or are outside Metro Manila.)
  6. For DIGITAL: Wait for the confirmation of receipt of payment. The download links to your books is included in the email.

Leave a Reply