Ang lahat sa mundong ito ay may kanya-kanyang panahon, may kanya-kanyang oras. – Mangangaral 3:1
Marami ang nanganib sa atin dahil sa pandemya—psychological, pinansiyal, o espirituwal. Naranasan ito ng kaibigan kong si Anna. Nawalan siya ng trabaho, marami siyang dapat bayaran at wala siyang masyadong ipon. Nagkaroon siya ng depresiyon at pakiramdam niya’y wala na siyang magagawa. Ngunit bilang tapat na Katoliko at lingkod sa ministry, naghanap siya ng kaliwanagan sa pamamagitan ng pagdarasal at mga pangako ng Diyos sa Biblia.
Napagtanto niya na sa kabila ng mga paghihirap, patuloy na nagbibigay ng mga oportunidad ang buhay hangga’t hindi siya tumitigil sa paghahanap. Natutunan niya ring ayos lang umalis mula sa kinasanayan niya at lumago sa panibagong gawain. At ngayon na ang oras. Nagtayo si Anna ng online business na nakapagtustos sa mga pinansiyal niyang pangangailangan. Nakahanap din siya ng oportunidad na maaaring makatulong upang mangibang bansa siya at ang kanyang pamilya. Eugene Cailao (euan06@me.com)
Pagnilayan
Ano ang nais ng Diyos na yakapin mo sa oras na ito?
Ama, sana’y manatili ako sa Iyong presensiya at grasya upang magawa kong tanggapin ang mga plano Mo para sa akin. Amen.
*Ang hango na ito ay kinuha mula sa Gabay 2022. Mabibili pa rin mula sa Feast Books. Magpadala lang ng mensahe sa aming Facebook page: www.facebook.com/FeastBooksPH para makabili ng sariling kopya nito.
Your daily prayer time essentials—Didache, Gabay, Sabbath and Companion 2023—are now available!
Start and end your days right with these devotionals to help you build that prayer habit.
Get big discounts when you pre-order at bit.ly/2023PrayerDevotionals