“Remember the days of old, consider the years of all generations. Ask your father, and he will inform you, your elders, and they will tell you.”
— Deuteronomy 32:7
ISANG TANONG, ISANG SAGOT
By Obet Cabrillas
Noong bata pa ako, may sinabi ang tatay ko na hindi ko kaagad na-gets o naintindihan. Sabi niya, “Ang mga tanong sa buhay ay parang tinapay; pag nalipasan ng panahon, napapanis. Ganon din ang mga tanong. Pag hindi nasagot sa tamang oras, napapanis din.”
Lalim.
Deep.
Profound.
Anyway, may karapatan naman ang tatay ko na maging profound.
Sabi niya kasi, tapos daw siya ng “graduate.”
At ito yung tanong ko sa kanya na napanis ng panahon…
Bata pa ako nung tinanong ko siya kung anong ibig sabihin ng “tapos ng graduate,” pero hindi siya sumagot.
Nung naka-graduate ako ng elementary, tinanong ko ulit siya. Hindi pa rin niya ako sinagot.
Naka-graduate na ako ng high school, hindi pa rin niya ako sinagot.
Hanggang nag-college ako, and finally nakagraduate ng masters, tinanong ko ulit siya kung anong ibig sabihin ng “tapos ng graduate.” Sa wakas, sinagot na niya ako…
“Anak, ang ibig sabihin ng tapos ng graduate ay Grade 5 lang ang inabot ko. Mahirap ang buhay, walang pantustos ang pamilya ko, kaya yun lang ang nakayanan kong edukasyon. Pero may master’s degree ako sa UP at doctorate degree sa UE,” sabi niya.
Akala ko matatagalan na naman bago niya sagutin kung ano yung master’s and doctorate niya sa UE at UP. Pero nung sinagot niya, astig at pamatay naman:
“Master’s degree in UP — University of Persistence! And doctorate degree in UE — University of Experience!”
Tama si Tatay.
You will become a master of life if you persevere through all of life’s experiences!
May isang author na nagngangalang Anonymous (he he, andun kasi siya sa lahat ng books, di ba?). Sabi niya: “Intelligence is knowing the right things to say; wisdom is knowing the right things to ask.”
Kaya, sama-sama tayo dito: Let’s all journey towards the path of wisdom.
At si Anonymous din ang nagsabing, “Wisdom is knowing what to do next.”
Ibig sabihin, if we ask the right questions and get the best answers, we will know what to do next. Then we gain wisdom!
The best! Yahoo!
(READ MORE)
Excerpt taken from Itanong Mo Kay Daddy O!
Photo credit: http://rossieronline.usc.edu/wp-content/uploads/Asking_Questions.png
MESSAGE FROM DADDY O:
Sa book na ito, Itanong Mo kay Daddy O, hindi ako nagmamarunong. I do not claim to have a monopoly on wisdom here, ha. If there are questions I cannot answer, I’ll refer you to experts, to sociologists, to psychologists, kung gusto mo psychotherapist o psychiatrist pa, at kahit exorcist pag medyo malala na.
Kidding aside, sasagutin ko ang mga tanong based on my 20-plus years in the ministry and as a life coach and counselor, and as an adventurer in this journey called Life!
Yes, I will answer the questions of the young.
And I believe everyone is young.
Bahala ka na kung anong young ang gusto mo.
Really young.
Looking young.
Young at heart.
Ako, all of the above. (Boom!)
Kpow!
Love,
Daddy O
Visit www.KerygmaBooks.com to order your print copies. Go digital and download a copy of this book straight into your gadget. Visit www.KerygmaBooks.com/ebooks to get an e-book version now!
Nurture your soul by reading more inspirational articles written by Bo Sanchez and other bestselling authors at Live a Fantastic Life E-Magazine. Visit www.kerygmabooks.com/kerygmaonline and be very blessed!