Love Life Mo, Responsibilidad Mo!
by Velden Lim
May tatlong magkakaibigan na nagtatrabaho sa isang opisina. Si Marvin, si Mario, at si Arnold.
Araw-araw, umaakyat sila sa rooftop ng building nila bitbit ang kanilang mga lunch box.
Isang tanghali, binuksan ni Marvin ang kanyang lunch box. Nagulat siya, nadismaya, at sabay sigaw, “Tuyo! Tuyo na naman?! Araw-araw na lang na ginawa ng Diyos, tuyo ang baon ko. Bukas, kapag tuyo pa rin ang baon ko, tatalon na ako mula dito sa rooftop.”
Tawang-tawa si Mario at Arnold nang biglang nanahimik sa inis si Mario at sinabing, “Tilapia!
Tilapia na naman?! Araw-araw na lang na ginawa ng Diyos, tilapia ang baon ko. Bukas, kapag tilapia pa rin ang baon ko, sabay na tayong tumalon mula dito sa rooftop.”
Si Arnold naman, nagbukas ng lunch box niya at galit na galit sa nakita nya, “GG (short for galunggong)! GG na naman?! Pare, kapag bukas ito pa rin ang baon ko, sasama na ako sa inyo. Tatalon na rin ako!”
Kinabukasan…
Nauna si Marvin magbukas ng lunch box niya, habang tinitingnan ang mga kasama. “Tuyo! Tuyo na naman?! Ayoko naaa! (Sabay talon…patay!)
Sumunod si Mario na nagbukas ng baon nya. “Tilapia! Tilapia na naman?! Ayoko naaa! (Sabay talon…patay!)
Tiningnan ni Arnold ang mga kasama niyang nahulog at kabadong-kabadong binuksan ang lunch box niya. “GG! GG ulit?! Ayoko naaa! (Sabay talon…patay!)
Kinagabihan, ibinurol sila nang magkakatabi ang mga kabaong nila.
Dumating ang nanay ni Marvin na iyak nang iyak sa harapan ng anak, “Akala ko pa naman paborito mo ‘yung tuyo. Kaya araw-araw kong ipinababaon sa iyo. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko.”
Narinig ng nanay ni Mario ang hinagpis niya, sabay sabi sa nanay ni Marvin, “Pareho pala tayo!
Tilapia rin ang pinababaon ko araw-araw kasi akala ko paborito niya iyon! Hindi ko mapapatawad ang sarili ko.”
Habang umiiyak sila, dumating ang nanay ni Arnold na humahagulgol. Nilapitan siya ng mga nanay nina Marvin at Mario at tinanong siya, “Misis, nagkamali ka rin ba ng akala? Pinabaunan mo rin ba siya ng paborito niya?”
Lalong lumakas ang iyak ng nanay ni Arnold at sinabing, “Hindi! ‘Yun nga ang hindi ko maintindihan eh. Sa araw-araw naman na ginawa ng Diyos, si Arnold naman ang naghahanda ng baon niya!”
Ikaw? Kumusta ang lunch box mo?
In life, you prepare your own lunch.
If you don’t like what you’re seeing and getting, all you need to do is change it.
Our problem is that we keep on complaining about our situation, yet we don’t exert any effort to change it. We expect to get different results yet we keep on doing the same thing. Ganoon din sa love life mo.
You might notice that you have relationship and dating patterns. And if you look closely, you will see that it’s repetitive.
May mga kaibigan akong NBSB (no boyfriend since birth), kasi buong buhay nila never man lang silang nakipag-date. May isa pa akong kaibigang ilang beses nang may ka-M.U. Mutual understanding kuno pero ang totoo, malabong ugnayan talaga, o ‘di kaya ay mukhang unggoy (inuunggoy lang pala siya nung lalaki). Yung isa naman, lagi na lang nagpapaloko. Akala niya love story na, Toy Story lang pala. Pinaglalaruan lang pala siya. Ayun, paulit-ulit tuloy ang kwento ng buhay niya.
Kaya naman ang librong ito ay para sa mga single na paulit-ulit na ang istorya ng love life nila. Isinulat ko ang librong ito para sa iyo kung ikaw ay:
1. NBSB (No Boyfriend Since Birth)
2. In a relationship pero ayaw na sa boyfriend
3. Hindi sigurado kung sila nang ka-M.U. niya
4. Nasaktan
5. Pinaasa
6. Pinaglaruan
7. Na-friendzone
8. Naiwan sa ere
9. Naloko
10. Nanloko
11. Naiinip at namumuti na ang mata sa kahihintay
12. Busy-busyhan / career first ang peg
13. Gustong mag-asawa
14. Hindi sigurado kung mag-aasawa, magmamadre, o mananatiling single habambuhay
15. At higit sa lahat, ang librong ito ay para sa single na may pakialam sa love life niya!
Ito ay para sa single na pagod na sa laman ng love life lunch box niya.
Maraming mga single ngayon ang gustong magasawa. Sabi nila gusto na nila magkapamilya at magkaanak. After nga namang magtapos sa college at magkaroon ng trabaho, ang pag-aasawa na ang next milestone ng buhay nila.
Sad to say, kapag tinanong sila kung ano ang ginagawa nila para mangyari iyon, ang madalas kong nakukuhang sagot ay, “Bahala na si Lord!” Kung hindi bahala na si Lord, “Bahala na si Batman!”
But the last time I checked, pagsupil sa krimen at kasamaan ang agenda ni Batman at hindi ang ayusin ang love life ng kung sinuman. May pakpak lang si Batman, pero hindi siya kupido. Sa dinamirami nga ng gadgets at weapons niya, wala akong nakitang pana sa mga iyon. Kaya please lang, huwag mong iasa ang love life mo kay Batman, OK? OK!
Para sa mga nagsasabing bahala na si Lord. Maganda ‘yan! Surrender everything to the Lord including your love life. I am a preacher, and as a devout follower of Christ, I also surrender every moment and every area of my life to Him.
Pero hindi nangangahulugang wala ka nang gagawin. Tandaan: God has a great plan for your life. And all those plans will take place if you do your part in fulfilling them. You need to cooperate.
Part of surrendering your love life to God is to take Full responsibility for it. You can’t just say, “Ipadadala rin ni Lord si Mr. Right,” and just sit there and wait for God to magically produce the man of your dreams na para bang fairy godmother ni Cinderella.
You need to move. You need to act. You need to do something.
Makialam. Love life mo, responsibilidad mo!
This article is an excerpt from the book, Bakit Single Ka Pa Rin? Mga Kalokohang Pinaniwalaan Mo Tungkol Sa Pag-ibig by Velden Lim.
Featured photo by Bart LaRue on Unsplash
“YUNG TOTOO, PANGIT BA AKO?”
Have you ever asked this question before? Sabay follow up ng, “Kung ‘di ako pangit, eh bakit single pa rin ako?” This may be the biggest question that many singles who have not yet found their partner in life are asking.
If this question is answered incorrectly, it will lead to discontent, impatience, and misery. Kaya imbis na na-eenjoy mo ang pagiging single mo, tinatrato mo ito bilang sumpa na kailangan mo nang malampasan o takasan.
SO BAKIT SINGLE KA PA RIN?
Kasi marami kang kalokohang pinaniniwalaan tungkol sa pag-ibig.
This book will bust these relationship myths and other crazy things you believed about love while growing up.
Let this book guide you not only in finding your one true love, but also in living your single life to the fullest.
This book is launching at the Manila International Book Fair at SMX Convention Center, on September 13-17, 2017. Visit Kerygma Books at booths 237-239 and get amazing discounts!
Available now at www.kerymgabooks.com/shop! Click HERE to get a copy of Bakit Single Ka Pa Rin? by Velden Lim and have it delivered right to your doorstep!
ALAMIN KUNG BAKIT SINGLE KA PA RIN!
GET YOUR COPY OF VELDEN LIM’S
BAKIT SINGLE KA PA RIN? MGA KALOKOHANG PINANIWALAAN MO SA PAG-IBIG
You don’t even have to leave the comforts of your home.
You can buy your own copies online!
Here’s how:
FOR PAPERBACK and DIGITAL versions:
- Visit www.KerygmaBooks.com/shop and click on the titles that you want to order.
- Choose PAPERBACK or DIGITAL and check out your order.
- Choose your payment method.
- Pay via bank deposit or PayPal.
a. For bank deposit: pay your balance and upload your deposit slip at the link we’ve e-mailed to you upon placing your order.
b. Pay directly via PayPal. - For PAPERBACK: Wait for the books to be delivered right to your home! (For orders P500.00 and up, FREE shipping within Metro Manila only. Standard shipping rates apply for orders below P500.00 or outside Metro Manila.)
For DIGITAL: Wait for the confirmation of receipt of payment. The download links to your books is included in the email.